-- Advertisements --

Nakatutok ngayon ang NBA at maraming basketball fans kung matutuloy ang umano’y nilulutong trade package sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets.

Sinasabing ang negosasyon ay kinabibilangan ng palitan umano ng Lakers star point guard Russell Westbrook at Brooklyn superstar Kyrie Irving.

Sinasabing kung matutuloy ang trade ay maituturin itong blockbuster deal na gugulat sa liga.

Lalo umanong lumalakas ang usap-usapan na mabuo ang deal ng magkabilang panig ngayong offseason.

Posible rin daw maisama sa package ng Nets ang kanilang sharpshooter na si Seth Curry bilang bahagi nang dagdag pampalit kay Westbrook.

-- Advertisement --

Ang 30-anyos na si Irving ay merong kontrata pa sa Brooklyn na nagkakahalaga ng $36.5 million, habang si Westbrook naman ay may $47 million para sa final year niya sa Lakers.