-- Advertisements --

Umaasa ni US Secretary of State Antony Blinken na magiging matagumpay ang gagawing pakikipag-usap sa mga Hamas para tuluyang mapalaya ang mga binihag nilang American citizens.

Patungo kasi sa Israel si Blinken kasama ang ilang opisyal para tulungan ang Israel na mapalaya ang mga bihag ng mga Hamas militants.

Nakikipag-usap rin ang US sa Israel at Egypt para tulungan ang mga sibilyan sa Gaza na makalikas ng ligtas.

Pagtitiyak din ni Blinken na makukuha ng Israel ang lahat ng mga tulong mula sa US.