-- Advertisements --

Nasa Israel muli si US Secretary of State Antony Blinken para pulungin ang mga matataas na opisyal doon.

Inaasahan na isusulong nito ang pagbibigay ng proteksyon sa mga sibilyan sa Gaza na nadadamay sa kaguluhan.

Kasama rin na maaring talakayin ay ang pagkakaroon ng mas maraming mga tulong na papasok sa Gaza.

Maaring pag-usapin din nina Blinken at mga opisyal ng Israel Defense Force ang susunod na kabanata ng paglaban nila sa Hamas at ang mungkahi na hindi muna pababalikin sa Gaza ang mga Palestinian hanggang hindi pa tuluyang napapalaya ang lahat ng mga bihag.