-- Advertisements --
Nasa Bahrain na si US Secretary of State Antony Blinken bago ang pagtungo niya sa Egypt.
Sinalubong siya ni King Hamad bin Isa Al Khalifa kung saan nagkaroon sila ng pagpupulong.
Ang nasabing pagtungo nito sa Bahrain ay matapos ang isang araw na pakikipagpulong niya kay Palestinian Authority President Mahmoud Abbas.
Nagkaroon ng mga pagpupulong si Blinken sa iba’t-ibang lider noong nakaraang mga araw kung saan bumiyahe ito sa Turkey, Greece, Jordan, Qatar, the United Arab Emirates, at Saudi Arabia.
Muli ito ng babalik sa Israel para makiusap na kung maaari ay maiwasan ang pagdamay sa mga sibilyan sa laban kontra Hamas.