-- Advertisements --

Nakaharap ni US Secretary of State Antony Blinken ang mga pamilya ng mga napatay na Americans at pamilya rin ng mga kasalukuyang bihag ng Hamas Mililtants.

Kasama ni Blinken si Deputy Special Envoy for Hostage Affairs Steve Gillen.

Sinabi ni Blinken na gagawi ng US ang lahat ng makakakaya para mapalaya ang mga bihag.

HInd naman bababa sa 25 mga Americans ang nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Personal na nagkita si Blinken at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Dito ay muling tiniyak ni Blinken ang tulong na US sa Israel.

Nakatakdang magtungo rin si Blinken sa Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Jordan.

Hihilingin ni Blinken sa mga bansa na mamagitan para sa pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas.