-- Advertisements --

Nanawagan si US Secretary of State Antony Blinken sa Israel at Palestine na maging kalmado.

Sa pagbisita nito sa Israel, tiniyak ni Blinken na matatag pa rin ang suporta ng US sa Israel.

Personal nito ng nakausap si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Jerusalem para matiyak ang pagsusulong ni US President Joe Biden ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at Arab States.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita si Blinken ng bumalik sa panunungkulan si Netanyahu na nagwagi sa halalan noong nakaraang taon.

Ang pagbisita nito ay kasunod ng naganap na madugong pag-raid ng mga Israeli forces sa Jenin refugee camp na ikinasawi ng ilang mga Palestinians.