-- Advertisements --

Nakapulong ni US Secretary of State Antony Blinken si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.

Nasa Saudi Arabia si Blinken bilang bahagi ng kaniyang biyahe sa Middle East ilang araw ng isagawa ang malawakang missile strike ng US sa mga Houthi rebels sa Yemen.

Layon ng pagbisita din nito ay ang pagbuo ng kasunduan ng US at Saudi ng peace deal sa labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Tumagal ng hanggang dalawang oras ang nasabing pulong ng dalawang opisyal at hindi nagbigay pa ng detalye si Blinkeng kung ano ang kanilang natalakay.

Matapos ang Saudi Arabia ay magtutungo din ito sa Egypt, Qatar, Israel at West-Bank para isulong ang kasunduan sa pagpapalaya ng mga Hamas ng knailang mga hawak na bihag.