-- Advertisements --
Tinalo ng Blackwater Bossing ang TNT Tropang Giga 85-78 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Nanguna sa panalo si JVee Casio na nagtala ng 22 point at limang assists habang mayroong 11 points at apat na assists at 10 points naman sina James Sena, Renato Ulara at Yousef Taha.
Sa pagtatapos ng halftime ay manipis ang lamang ng Blackwater 39-37 hanggang napaabtot sa 13 points ang kalamangan sa pagpasok ng third quarter.
Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Roger Pogoy at 10 points, 10 rebounds ni Poy Erram.










