-- Advertisements --
Tinalo ng Blackwater Bossings ang Meralco Bolts 96-93 sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Bumida sa panalo si Rey Nambatac na nagtala ng 27 points at 10 assists.
Sa unang dalawang quarters ay hawak ng Bolts ang kalamangan kung saan umabot pa sa 19 points ang lamang nila.
Pagpasok ng second half ay doon bahagyang napababa ng Blackwater ang kanilang kalamangan.
Ito ang rin ang unang laro ni James Yap sa Blackwater kung saan nagtala siya ng five points kasama na dito ang isang three-points.
Nag-ambag naman ng 15 points si Troy Rosario habang mayroong 11 points si Rey Suerte.
Sinabi naman ni Blackwater head coach Jeffrey Cariaso na asahan nila ang pagganti ng Bolts sa mga susunod na paghaharap nila.