-- Advertisements --

Nakuha ng Blackwater ang unang panalo sa PBA Governors’ Cup ng talunin ang Phoenix Super LPG 108-105.

Bumida sa panalo ng Blackwater si Shawn Glover na nagtala ng 31 points at 13 rebounds habang mayroong 17 points ang naitala ni Baser Amer.

Nagdagdag naman ng 14 points at 11 rebounds si Ato Ular habang mayroong 10 points at 13 rebounds si Yousef Taha.

Ayon kay Bossings head coach Ariel Vanguardia na hinamon niya ang kaniyang manlalaro na maging agresibo.

Nasayang ang nagawang 37 points at 17 rebounds ni Du’vaughnn Maxwell para sa Fuel Masters.