-- Advertisements --
Nagtala muli ang Korean group na Blackpink ng panibagong record.
Ito ay matapos na makuha nila ang number 1 spot sa music and entertainment magazine na Billboards main album chart.
Pasok kasi sa 200 chart ang ikalawang full-leght album ng grupo na “Born Pink” na mayroong katumbas na 102,000 album units na naibenta.
Sila na ang pang-apat na K-pop group na nasa top ng Billboard main chart na sinundan ng BTS, SuperM at Stray Kids.
Sila rin ang unang female act na nakarating ng numero 1 mula ng maabot ito ng American grou na Danity Kane noong 2008.