-- Advertisements --

Patuloy ang paggawa ng records sa kasaysayan ang Korean girl group na Blackpink.

Base sa Guinness WorldRecord na ang YouTube channel ng grupo ay tinaguriang most viewed music channel na mayroong mahigit 30 bilyon views.

Natalo nito ang US band na Maroon 5 na noong 2018 ay mayroon silang mahigit 9 bilyon views.

Isa sa hitsong ng grupo na “DDU-DU-DDU-DU) ay nakapagtala ng mahigit dalawang bilyong views.

Magugunitang mayroong mga hawak na records na ang grupo gaya ng may pinakamaraming subscribers sa isang banda, pagkakaroon ng 8.8 bilyon individual streams sa Spotify, most streamed female group in the music streaming platform.

Bukod pa dito ang most viewed music video sa loob ng 24 oras at most viewed video.

Nabuo ang grupo noong 2016 na kinabibilangan nina Rose, Jennie, Lisa at Jisoo.