-- Advertisements --

Nakapagtala muli ang Korean girl group na Blackpink ng panibagong record.

Ang kanilang bagong music video kasi na “Shut Down” ay nakapagtala agad ng 100 million views sa YouTube sa loob lamang ng limang.

Inilunsad ang nasabing bagong kanta nila noong Setyembre 16 at nakapag-100-M views na ito sa YouTube nitong Setyembre 21.

Ang nasabing kanta ay siyang pang-12 na music video ng grupo na mayroong mahigit 100 milyon views.

Ilan sa mga kanta na ito ay kinabibilangan ng “BoomBayah”, “Playing with Fire”, “DDU-DU,” “Kill This Love,” “How You Like That,” “Ice Cream,” “Lovesick Girls,” at “Pink Venom.”