-- Advertisements --
Muling nakagawa ng panibagong record and Korean girl group na BlackPink.
Ito ay matapos na mabilis nilang naabot ang mahigit na pitong bilyong stream sa Spotify.
Sila ang kasi ang kauna-unahang K-pop female group at unang girl group sa buong mundo na nakaabot ng ganung kabilis.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay nagtala rin sila ng record matapos na maging unang K-pop girl group na maging cover ng Rolling Stone magazine.
Mayroong dalawang girl group na naging cover ng nasabing magazine at ito ay ang Spice Girlst at Destiny’s Child.
Taong 2016 ng sumikat ang grupo na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa.