-- Advertisements --

Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry dahil sa epekto ng Bagyong Ulysses simula ngayong araw.

Hindi pa masabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung kailan ibabalik ang operasyon ng Pasig River Ferry Services.

Napinsala kasi aniya ng bagyo noong nakaraang linggo ang pontoons ng ilang istasyon ng ferry service.

Kabilang dito ang pontoon sa Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Pinagbuhatan, at San Joaquin stations.

Ayon sa MMDA, ang pontoon ay nagsisilbing docking platform ng mga ferry boats.