-- Advertisements --

Marami na sa mga biyahe ng mga bus patungo sa mga probinsiya ang fully booked na kasabay ng pagsisimula ng Holy week exodus o pagbuhos ng mga pasahero.

Kabilang na dito ang mga bus terminal sa Cubao sa Quezon city partikular na ang biyake ng airconditined buses patungo sa probinsiya ng Camarines Norte na fully booked na hanggang sa Marso 31.

Gayundin ang biyahe patungong Camarines Sur na fully booked na hanggang sa Marso 28 o Huwebes Santo.

Samantala mayroon pa rin namang mga ordinary bus na maaaring sakyan ng mga pasahero na bumibiyahe araw-araw at magdedeploy din ng extra airconditioned buses sakaling kailanganin.

Ang mga Bus trip naman patungong Bagui at Zambales, fully booked na sa ilang terminal hanggang sa Marso 27 at 28.