-- Advertisements --
Kanselado muna sa ngayon ang lahat ng mga biyahe ng barko sa Calabarzon region dahil sa banta ng Bagyo.
Sa ulat na inilabas ng Calabarzon Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC), ang pagkansela sa lahat ng biyaheng pandagat sa nasabing rehiyon ay dala ng pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal dulot ng Bagyong Quinta.
Pinayuhan naman ng Calabarzon RDRRMC ang mga biyahero na kanselahin muna ang kanilang mga biyahe ng sa gayon maiwasan na maistranded sa mga pier.
Sa ngayon nasa 532 families o nasa 1,789 individuals mula sa Guinobatan, Albay at Canaman, Camarines Sur ang preemptively evacuated.