Tiniyak ni Michael V na hindi siya inabisuhan ng kanyang mga doktor na magpa-confine sa ospital sa gitna ng pagpapagaling mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pahayag ito ng 50-year-old comedian kasunod ng pagtungo sa ospital para magpa-X-ray dahil nakakaramdam ng mabilis na pagkapagod.
Ayon kay Michael V o Beethoven Michael sa tunay na buhay, may nakita sa kanya na maaaring pagmulan ng pneumonia pero pinauwi pa rin at niresetahan lamang ng antibiotics.
Kamakailan lang nang aminin ni “Bitoy” na dinapuan siya ng COVID-19 at ngayo’y naka-self quarantine pa rin.
Natanggap niya ang kanyang COVID-19 results sa ikawalong araw ng kanyang isolation, kung saan lumabas na kinapitan na rin ito ng virus.
Kung maaalala, ilang mga artista na rin ang dinapuan ng COVID-19 gaya nina Iza Calzado at Christopher de Leon.