Lalo pang lumakas ang bagyong Bising na may international name na Surigae.
Ayon sa Pagasa, posible pang mag-ibayo ang lakas nito, ngunit hindi inaasahang aabot sa supertyphoon category.
Pero para sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) at iba pang weather bureau, maaari itong pumalo hanggang supertyphoon sa mga susunod na araw.
Habang may ilan pang ahensya na ikinokonsidera na ito sa naturang kategorya.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 645 km sa silangan ng Maasin City, Southern leyte o 545 km silangan Guiuan, Eastern Samar.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ng typhoon Bising ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Signal no. 1:
Sorsogon, Albay, eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Goa, Ocampo, Tigaon, Sagnay, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Tinambac, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan), Ticao Island at Catanduanes; Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands) at Surigao del Sur.










