-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kapansin pansin na mabenta ngayong panahon ng COVID 19 ang mga bisekleta sa San Mateo,Isabela

Nagkakahalaga ang mountain bike ng mula P7,500.00 hanggang P9,500.00 .

Nagkakahalaga naman ng P25,000.00 ang pinakamahal na mountain bike sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng itinago sa pangalang M-Jay, nagtitinda ng mountain bike na napansin nilang marami na ang bumibili ng bisikleta sa kanilang tindahan.

Pinapayuhan din nila ang mga bumibili na bisikleta na kailangan din nilang bumili ng helmet bilang proteksiyon pangunahin na sa kanilang ulo.

Ang pinakamurang panindang helmet at P600.00 .

Ang binibiling mga bisikleta ay maaaring gamitin ng mga bumibili na masakyan sa pagpasok sa kanilang trabaho o di kaya ay magagamit kapag bumili ng mga mahahalagang pangangailangan.

Magugunitang karamihan ng mga bayan at lunsod sa Isabela ay nagpapatupad ng number coding scheme sa mga namamasadang tricycle at iisa lamang ang maaring isakay.