Pinalawig pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng special permits ng mga provincial bus mula Enero 3 hanggang Enero 15.
Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano, kanilang naobserbahan na sa nakalipas na holiday season ilang mga biyahero mula sa mga probinsiya ay late ng nakabalik sa kani-kanilang mga lugar.
Kung kayat minabuti ng ahensiya upang maiwasan na magkulang ang provincial buses na palawigin pa ang bisa ng kanilang special permits para ma-accommodate ang mga magsisibalikan sa kani-kanilang mga probisniya.
Matatandaan, noong Disyembre nagbigay ang ahensiya ng special permits sa 639 karagdagang provincial buses para ma-accommodate ang inaasahang influx ng mga pasahero noong kasagsagan ng holiday season.
Sinabi pa ni Bolano na magiisyu sila ng dagdag na special permits sakali man na kailangan pa ng dagdag na units sa kanilang bus operations.