-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang effectiveness ng paggamit ng face shields sa pagpigil sa hawaan ng COVID-19.

Ayon kay Robredo, ang Pilipinas lamang ang bansa sa ngayon na nag-oobliga pa rin sa mga mamamayan nito na magsuot ng face shields sa tuwing lalabas ng kanilang bahay.

Samantala, nananawagan din si Robredo sa pamahalaan na gamitin ang kaban ng bayan sa mas mahalagang supplies tulad ng mga gamot para sa COVID-19.

Ito ay may kaugnayan naman sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado hinggil sa pagbili ng pamahalaan ng umano’y overpriced na COVID-19 equipment.

Suportado ni Robredo ang panawagan sa pamahalaan na bumili ng COVID-19 medicines tulad ng tocilizumab, sa halip na mga face shields.