-- Advertisements --

Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipatupad sa last quarter ng taong kasalukuyan ang pagpapataw ng 1 percent na withholding tax mula sa mga online sellers.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumague Jr na ang nasabing proposal ay hindi na bago dahil ito ay bahagi lamang ng collection sa umiiral na batas.

Maari na rin sa susunod na taon ang full implementation ng nasabing batas.

Nagbunsod ang nasabing panukala dahil sa patuloy ang pamamayagpag ng mga online sellers sa bansa.