-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang gagawing paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga influencer, vlogger at online sellers.
Sinabi ni BIR deputy commissioner Marissa Cabreros, na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga impormasyon sa income ng mga ito.
Susulatan aniya nila ang mga ito kapag hindi nagdeklara ng tama sa kanilang kinikita.
Mula noong ilunsad ang nasabing kampanya ay umabot na sa ilang libong mga vloggers, influencers at online sellers ang nagparehistro.
May nakabantay aniya sa kanilang social media para matunton ang nasabing mga online personalities.