-- Advertisements --

Pormal nang inilunsad ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang National Tax Campaign ngayong taon.

Pinaigting pa kasi ng ahensya ang kanilang mga programa para makalikom ng buwis.

Kung maaalala, nagsagawa ang ahensya ng 2024 National Tax Campaign na pinangunahan mismo ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr.

Dumalo rin sa naturang kaganapan si Finance Secretary Ralph Recto, ilang malalaking taxpayers sa bansa, government official at iba pang public at private sektor na katuwang ng ahensya.

Ang pag-arangkada ng tax campaign activities ng ahensya ngayong 2024 ay nakatuon sa layong maiangat ang tax revenue ng gobyerno.

Malaki rin ang maitutulong nito sa economic recovery at development ng Pilipinas.

Patuloy rin ang panghihikayat ng BIR sa publiko na magbayad ng tamang buwis sa tamang oras.