Nag-isyu ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng updated regulations para sa bagong estate tax amnesty program.
Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Isa sa mga pagbabago ay ang pagpapalawig pa ng deadline ng paghahain ng estate tax return ng panibagong dalawang taon o hanggang June 14, 2025.
Ang coverage naman para sa decedents na eligible para sa programa ay pinalawig mula sa Mayo 20, 2020 at prior years hanggang May 31, 2022 at prior years.
Mas user-friendly naman ang bagong guidelines kumpara sa lumang estate tax amnesty law o ang Republic Act 11213.
Kung saan pinapayagan na ang electronic filing maliban pa sa manual submission at binibigyan din ng option ang mga tagapagmana na magbayad ng installment.
Layunin ng pinalawig pang deadline na mabenepisyuhan ang mahigit 1 million tagapagmana ng kanilang decedents.