Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na tatanggalin na ang P500 na taunang registration fee para sa mga negosyanteng taxpayer bilang pagtalima sa Republic Act No. 11976 o Ease of Paying Taxes Act.
Ang mga business taxpayers ay exempted mula sa paghahain ng BIR Form No. 0605 at pagbayad ng P500 na annual registration fee base sa BIR advisory na may petsang Enero 8, 2024.
Ang mga existing BIR Certificate of Registration na may Registration fee ay mananatiling may bisa at maaaring mamili ang mga taxpayer sa pag-update o pagpapalit n kanilang COR sa kanilang convenience time sa Revenue District Office hanggang sa Dec. 31, 2024.
Una ng nilagdaan ni PBBM ang Ease of Paying Taxes Act noong Enero 5 para mas mapabilis ang tax filing para sa maliliit na negosyo para sa moderno ang revenue collection system ng BIR.