-- Advertisements --
Bumuo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng special task force (STF) para mahigpit na mabantayan ang mga social media influencers at mga online-sellers sa bansa.
Sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na mayroong STF sa 24 na regional offices para maghanap at mailista ang mga ito kung sila ay nagbabayad ng tamang buwis.
Hiwalay din na mayroong monitoring teams ang large taxpayers service (LTS) ng BIR.
Inatasan ni Dulay ang mga district officers na hingin sa mga online business taxpayers na magpakita ng mga invoices o resibo sa kanilang kliyente.
Nagbalala din ito na mahaharap sa anumang kaso ang sinumang hindi magdedeklara ng tama ng kanilang kita.