Binalaan ng Bureau of Internal Revenue ang publiko laban sa mga pekeng job offer na umanoy nagkalat sa mga internet sites.
Ginawa ng BIR ang babala, matapos ang umanoy labis na pagtaas ng mga pekeng job offer na nag-aalok ng matataas na sahod, at pangunahing inaalok ang mga High School graduates.
Kabilang din kasi ang BIR sa mga ahenisya na umano’y tinutukoy ng mga nasabing website na nangangailangan ng mga applikante.
Ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., kailangan munang i-verify ng mga naghahanap ng trabaho kung gaano ka-totoo ang mga inaalok na trabaho, bago magsumite ng anumang hinihinging dokumento, credentials at iba pa.
Paalala ng opisyal sa mga job seekers na makipag-ugnayan lamang sa mga opisina ng BIR kung nais makapag-trabaho sa ilalim ng ahensiya,
Kasunod nito, ipinag-utos na rin ni Comm Lumagui Jr. na imbestigahan ang pinagmulan ng mga nasabing scam at panagutin kung sino man ang gumagawa nito.