Nagpakawala na sa ngayon ng tubig ang dalawang dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulan na dulot ng bagyong Florita.
Ang Binga Dam sa Benguet ay nagbukas ng isa sa kanilang mga gate na nasa 0.30 meter.
Ang Binga Dam reservoir water level (RWL) ay nasa 574.43 meters dakong alas-6:00 ng umaga at mapalit na ito sa 575-meter spilling level o normal high water level (NHWL).
Samantala, ang Magat Dam sa Isabela ay nagbukas din ng isang gate ng dam na nasa 0.50 meter.
Ang Magat Dam reservoir water level ay nasa 187.10 meters at ilang metro na rin para maabot ang 190-meter spilling level o normal high water level (NHWL)
Kung maalala, itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng northern Luzon dahil pa rin sa Tropical Storm Florita.