VIGAN CITY – Nasa maayos na umanong kalagayan ang 13-anyos na binatilyo na nakaligtas sa pananaga ng hindi pa kilalang suspek sa Barangay Besalan, Sta. Cruz, Ilocos Sur noong nakaraang linggo.

Maalalang sa nasabing pangyayari ay dalawa ang namatay na nakilalang sina Loreto Sanches Carbonel, 46, magsasaka na residente nasabing lugar at si Jerome Domingo, 29, tubong Brgy. Camangaan, Sta. Cruz na kapwa nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo na rason ng kanilang kamatayan.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, napag-alaman na naka-usap na umano ng mga kapulisan ang biktimang si Johnwin Hagunos Carbonel ngunit sinabi umano nito na hindi nito namukhaan kung sino ang mga suspek.

Sa kabila nito, mayroon umanong nabanggit na pangalan ang biktima sa mga pulis na siyang isusunod na iimbestigahan ng mga ito.