CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang saksakin ng kanyang anak sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Rafael Tahum Edlang,44 anyos,may asawa at residente ng Purok Kalabasa Barangay Ulamian Libungan Cotabato.
Ayon kay Libungan Chief of Police Major Judgie Barrotas na pinagalitan umano ng ama at nasuntok ang kanyang 15 anyos na anak.
Sa sobra galit ng suspek ay sinaksak ang kanyang ama gamit ang kitchen knife.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming saksak sa kanyang katawan.
Sinabi ni Major Barrotas nasa abroad ang nanay ng binatilyo at ayon sa impormasyon mula sa kakilala nito, madalas nanakit ang ama ng bata tuwing nag-aaway ang mag-asawa.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyong nakapatay sa sarili nitong ama.