CAUAYAN CITY- Isa ang patay habang isa rin ang nasugatan matapos na bumangga ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang punong kahoy na malapit sa tulay ng Brgy. Marabulig 1 Cauayan City kaninang madaling araw.
Ang nasawi ay ang tsuper ng motorsiklo na si Bnnie Miguel, 21 anyos, binata at residente ng Marabulig 1 habang ang nasugatan ay ang angkas nito na 17 anyos at residente ng Malalinta, San Manuel, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, mula sa Poblacion ng lunsod ang mga biktima at patungong Brgy. Marabulig nang makarating sa pinangyarihan ng insidente pangunahin na sa pakurbang bahagi ng daan at malapit sa tulay ay nawalan ng kontrol sa manibela si Miguel at bumangga sa isang G-melina tree sa gilid ng daan.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng miyembro ng Rescue 922 ngunit idineklarang dead on arrival si Miguel.