CENTRAL MINDANAO – Putol ang katawan at napugutan pa ng ulo ang isang binata nang maipit sa mixer truck sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Datu Ali Acob,19 anyos at residente ng Barangay Dalumangcob Sultan Kudarat Maguindanao.
Ayon kay Sultan Kudarat Chief of Police, Major Julhamin Asdani habang naglilinis ang biktima sa mixer truck gamit ang portable hammer jack sa mga dumikit na semento ay bigla lang umanong pina-andar ng driver na si Nasser Orasan ang mixer truck kung saan naipit ang biktima.
Naputol ang katawan ng binata pati ulo ay humiwalay sa katawan sa tindi ng pagkakaipit nito sa mixer.
Mabilis namang tumakas ang driver nang makita nito ang sinapit ng kanyang helper.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Orasan at nakatakdang sampahan ng kaso.