-- Advertisements --
NAGA CITY – Patay ang isang binata matapos na magpatiwakal sa Tayabas City.
Kinilala ang biktima si Cryz Willard Rivere Reyes, 20-anyos, residente ng Brgy. Angeles Zone 1, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng pinsan ng nito si Reyes na nakabitay na sa kisame ng bahay na wala nang buhay.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng nasabing biktima.