CAUAYAN CITY- Namatay ang isang binata matapos sumabog ang kinalululanang sasakyan sa barangay Castillo.
Ang biktimang nasawi ay si Wilson Alambay, 24 anyos, binata at residente ng Babaran, Echague, Isabela habang nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang tsuper ng Honda Civic Sedan, kulay pula na may plakang TMJ 168 na si Rogelio Ayudan Daria , 43 anyos, residente ng Purok 2, Buneg, Echague Isabela
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang sasakyan ay galing sa Poblacion at habang mabilis na binabaybay ng nasabing sasakyan ang kalsada patungong bayan ng Alicia ay bigla na lamang pumutok ang isang gulong sa harapan.
Dalawang concrete barrier ang nasira dahil sa lakas ng pagbangga ng sasakyan bago tumilapon at dumeretso sa palayan na nagliyab at sumabog.
Matapos bumangga ang sasakyan ay tumilapon ang tsuper ng sasakyan na si Daria sa layong limang metro mula sa sasakyan habang si Alambay ay nakitang wala nang buhay .
Ang tsuper ng sasakyan ay itinakbo sa isang ospital sa Lungsod ng Santiago habang ang pasaherong si Alambay ay dinala pa rin sa pagamutan at idineklarang dead on arrival.
Nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Echague Police Station sa naturang aksidente at inaalam kung saan nanggaling ang mga biktimang hinihinalang nakainom ng nakalalasing na inumin
Samantala,Nasa critical na kondisyon ang tsuper ng sasakyan na si Rogelio Ayudan Daria na ginagamot ngayon sa Southern Isabela Medical Center o SIMC
Inihayag ni Punong Barangay Ernesto Bagalay Sr. ng Castillo, Echague na nakarnig ang mga residente ng pagputok ng gulong ng sasakyan at nakitang bumangga ang sasakyan sa concrete barrier bago dumiretso sa palayan.
Nagliyab at sumabog ang naturang sasakyan
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Amy Dela Cruz, spokesperson ng Isabela Police Provincial Office na agad tumugon ang mga kasapi ng BFP at PNP Echague sa nasunog at sumabog na sasakyan sa Echague, Isabela
Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan sa Echague, Isabela ang pasahero na si Wilson Alambay habang dinala sa pagamutan sa Lunsod ng santiago ang tsuper na si Rogelio Ayudan Daria
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na tinangka ng driver na mag-overtake sa sinusundang sasakyan ngunit pumutok ang isang gulong sa harapan ng sasakyan na nagsanhi ng aksidente.
Pinaaalahanan ng IPPO ang mga motorista na bago magnameho ng sasakyan ay kinakailangang tiyakin na nasa magandang kondisyon at ang mahalaga ay mag-ingat sa pagmamaneho.









