SULTAN KUDARAT
Sultan Kudarat

CENTRAL MINDANAO – Nasa maselang kondisyon ngayon ang isang mag-uuling nang kagatin ng kanyang alagang kabayo sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Reymart Celarta, 20 anyos,binata at residente ng Brgy Basak Lebak Sultan Kudarat.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima na dala-dala nito ang kanyang alagang kabayo patungo sa ulingan ng bigla siyang sakmalin at pinagsisipa.

Mabuti na lamang at nakita ito ng ibang mag-uuling kung saan nailigtas ang binata sa nagwawalang kabayo.

Tuklap ang balat sa binti ng binata, halos maputol ang mga daliri ng kanyang paa at may mga pasa din at sugat sa mukha.

Agad dinala ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at patuloy na nilalapatan ng lunas sa animal bite section ng pagamutan.