Hindi binigo ng American singer na si Billie Eilish ang kaniyang fans na dumalo sa Mexico kahit na ito ay biglaang kinansela dahil sa malakas na pag-ulan.
Hindi pa umaalis ang maraming fans nito sa Foro Sol CDMX sa Mexico kahit na inanunsiyo na ipagpapaliban ang concert dahil sa malakas na pag-ulan.
Ang nasabing concert ay bahagi ng kaniyang “Happier Than Ever Tour”.
Sa halip na umalis ang singer ay lumabas ito ng stage at sinabing mag-iiba ito ng paraan sa pamamagitan ng acoustics dahil sa malakas na pag-ulan.
Bilang pampalubag loob sa mga nagtiyagang nagtungo sa venue ay umawit siya ng ilan niyang kanta sa gamit ang acoustic guitars na tinugtog ng kaiyang kapatid na lalaki na si Finneas O’Connell.
Matapos ang ilang kanta ay inanunsiyo ng singer ang bagong petsa ng nasabing concert.
Labis naman na humanga ang fans sa singer dahil sa hindi sila pinabayaan ng kanilang idolo.