-- Advertisements --
pdl

Inihayag ng COMELEC na ang mga person deprived of liberty (PDLs) ay pinapayagang mahalal hangga’t walang pinal na paghatol mula sa mga korte.

Ipinaliwanag ito ng Comelec chairman Goerge Erwin Garcia matapos manalo ang tatlong bilanggo sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Matatandaan na nagdesisyon ang Korte Suprema noong Marso 2022 na ang mga bilanggo ay pinapayagang bumoto sa lokal na antas.

Bagama’t pinapayagan ang ilang bilanggo na kumandidato, sinabi ni Garcia na ipinagbabawal pa rin ang mga PDL na pumunta sa mga barangay hall para magsilbi.

Una nang sinabi ng COMELEC na limitado lamang ang kanilang paraan ng paninilbihan sa publiko dahil sila ay nakakulong.