Binawian na ng buhay ang isa sa mga nasugatang biktima ng madugong masaccre noong Marso 4 na ikinamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kaya umabot na sa 10 ang bilang ng mga nasawi nitong linggo, Mayo 7.
Ayon sa ibinahaging impormasyon ng kampo ng Degamo, ang pinakahuling nasawi ay kinilalang si Fredilino Cafe Jr., na kilala rin bilang “Putok,” na namatay mula sa kanyang natamong injuries mahigit 2 buwan mula nang salakayin ng grupo ng mga armadong lalaki ang pribadong compound ni Degamo sa bayan ng Pamplona at binaril ang yumaong gobernador at 8 iba pang indibidwal.
Tubo sa katimugang bahagi ng Santa Catalina si Cafe na isang empleyado ng Negros Oriental Provinical Engineering Office.
Kabilang siya sa mga regular na kasama ni Gov. Degamo sa mga konsultasyon ng pinaslang na gobernador tuwing weekend sa mga residente ng Negros Oriental sa kanyang compound
Mula noong pag-atake, si Cafe ay naiulat na labas masok sa pagamutan ngunit namatay dahil sa natamong mga sugat nitong Linggo.
Maliban kay Degamo at Cafe, ang iba pang mga biktima sa madugong insidnete ay ang mgasasaka ng Santa Catalina na si Jessie Bot-ay, Provincial Engineer’s Office driver Jerome Maquiling Fatima, Santa Catalina barangay chairwoman Florenda Quinikito, Provincial Health Office driver Jomar Canseco Yupisan, Pamplona barangay councilor Jose Marie Ramirez Obogon, Tanjay City chief barangay watchman Joseph Retada , Dumaguete-based photographer Michael Fabugais at Security guard Crispin Vallega.