Dumoble pa ang bilang ng mga mamamayan sa Sudan na na-displace dahil sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng militry at paramilitary forces ayon sa United Nations.
Ayon sa International Organization for Migration, mahigit 700,000 katao na ang na-displace dahil sa labanan simula noong Abril 15.
Ito ay mahigit pa sa doble mula sa 340,000 na iniulat noong Martes ni UN spokesman Paul Dillon.
Ayon pa sa UN refugee agency, nasa 150,000 Sudanese ang lumikas na sa karatig na mga bansa.
Bilang resulta, humaharap ngayon ang mga lumikas mula sa war zones ng kawalan ng tubig, magagamit na eletirsidad, pagkain at medical care kung saan ayon sa UN aabot sa 1/3 ng populasyon ang nangangailangan ng humanitarian assistance kahit bago pa man sumiklab ang labanan.
Samantala, ayon sa Sudanese foreign ministry, nakatanggap ng tawag si Sudanese Army chief Burhan mula kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan at Azali Assoumani ng Comoros, ang kasalukuyang chairman ng African Union na magpapadala sila ng special envoy sa jeddah para tumulong sa pag-areglo sa magkabilang panig para mawaksan na ang krisis at maibalik ang kaayusan sa Sudan.