-- Advertisements --
Mayroon ng 78 percent ng mga Public Utility Vehicles operators sa bansa ang nakapag-comply na sa consolidation requirerment sa ilalim ng PUV modernization program.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Andy Ortega na ang 78 percent ay nationwide na at lahat ng klaseng pampasaherong sasakyan.
Nagpapakita lamang na ang mataas na bilang ng nakapag-consolidate na ay sinusuportahan nila ang nasabing programa.
Magugunitang iginiit mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi na nila papalawigin pa ang nasabing April 30 modernization program.