-- Advertisements --

Lalo pang lumobo ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong nawawala kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao kamakailan.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, ngayong araw ay nakumpirma ng Philippine authorities na umabot na sa 33 katao ang missing o patuloy na hinahanap.

Ito ay halos doble sa dating 17 missing nitong nakalipas na araw.

Patuloy din kasi aniya ang paglabas ng mga residente upang iulat na nawawala ang kanilang mga kaanak mula pa noong naganap ang pagyanig at pinaniniwalaang natabunan sa mga gumuhong istraktura.

Lumobo na rin sa 688 katao ang bilang ng mga kumpirmadong nasugatan dahil sa lindol.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang paghahanap sa mga missing habang positibo pa rin ang mga rescuer na may madadatnan pang buhay, tatlong araw matapos ang malagim na pagyanig.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operations sa mga gumuhong gusali na una nang natukoy na walang nadaganang o naiwang indibidwal.