-- Advertisements --

Kasalukuyang biniberipika na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang 14 na nasawi at pitong nawawala as of 1 PM kasunod ng tumamang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Base sa paunang ulat sa epekto ng malakas na lindol, iniulat ni OCD spokesperson Junie Castillo naitala ang 11 casualties mula sa Region 12 o Soccsksargen, habang ang tatlong nasawi ay mula sa Region XI o Davao Region.

Ayon sa OCD official, ang naturang datos ay for verification pa ng pamunuan ng DepEd Missing Cluster.

Sa datos din ng OCD, mayroong humigit-kumulang 10,000 pamilyang apektado sa mga lugar na tinamaan ng lindol ang inilikas na patungo sa mga evacuation center.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang damage assessment ng mga tauhan ng local, regional at national government upang matukoy ang lawak ng pinsala.