-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon si US President Joe Biden matapos na umabot sa isang milyong katao na ang nasawi matapos na dapuan ng COVID-19.
Ayon kay Biden na kasama siya pamilya ng mga nasawi sa kanilang pagdadalamhati.
Hindi aniya mapapalitan ng anumang ngiti ang isang pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay.
Isinagawa ni Biden ang anunsiyo habang pinapangunahan niya ang global virtual COVID-19 summit matapos ang malampasan ng Europa ang mahigit na dalawang pagkakasawi dahil sa COVID-19.
Unang naitala sa US ang pagkamatay ng mga pasyente dahil sa COVID-19 noong Pebrero 2020 at matapos ang isang buwan ay kumalat na ito sa New York at maging White House sa panahon ni dating US President Donald Trump.