-- Advertisements --
image 334

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagsabog malapit sa capital ng Dominican Republic nitong Lunes, August 14, 2023.

Ayon kay Juan Manuel Mendez, ang pinuno ng Emergency Operation Center ng nasabing bansa, umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa isang hardware store sa isang commercial space ng San Cristobal.

Bukod dito ay nakapagtala rin ng 59 na mga sugatang indibidwal ang mga otoridad mula sa naturang trahedya.

Samantala, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naging sanhi ng nangyaring insidente.