-- Advertisements --

Binago ng mga otoirdad sa Pakistan ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa madugong suicide bombing sa loob ng isang mosque ng Peshawar.

Mula sa dating 101 ay ginawa na lamang itong 84 matapos na wala na silang bangkay na nakita pa sa ilang araw na search and rescue operations.

Paliwanag ng Peshawar city police chief Muhammad Ijaz na nagkaroon ng kalituhan dahil na rin sa kaanak ng mga biktima na nagpatala sa pagamutan.

Sa nasabing bilang ay 83 ang mga kapulisan dito at isang babae na sibilyan na nagtatrabaho sa compound ang nasawi.

Nasa kritikal naman na kalagayan ang ilang mga sugatang kapulisan.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagpanggap na isang pulis ang suspek bago nito pasabugin ang sarili.

Magugunitang inako ng Pakistan Taliban militant group ang nasabing pagsabog.