-- Advertisements --

Pumalo na sa 197 ang naitalang namatay sa Italy dahil sa coronavirus. Ito na umano ang pinaka mataas na bilang ng nasawi sa bansa nang magsimula ang naturang outbreak.

Ayon sa mga otoridad, 49 ang namatay sa loob ng 24 oras habang halos 4,600 na ang kumpirmadong kaso ng sakit.

Ngunit hindi [a raw nila ito makukumpirma hangga’t hindi pa nila nakukuha ang impormasyon hinggil sa totoong rason sa pagkamatay ng mga pasyente.

Batay sa datos na inilabas ng national health institute, 81-anyos ang average na edad ng mga namamatay kung saan karamihan sa mga ito ay matagal nang may iniindang sakit. 72% daw sa mga ito ay kalalakihan.

Ipinag-utos na ng Italy government ang pagsasara ng mga paaralan sa loob ng 10 araw habang hindi naman pinapayagan ang mga sports fans na pumasok sa stadium hanggang Abril 3.

Sa bagong government decree sa naturang bansa na epektibo ngayong araw ay hinihikayat ang lahat ng mamamayan na panatilihin ang 1 meter (3 feet) na distansya mula sa isa’t isa.

Pinagbabawal na rin muna ang pagbisita sa mga nursing homes at maging ang paglabas ng matatanda sa kani-kanilang mga kabahayan kung hindi naman importante.