-- Advertisements --
comeleccheckpoint

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa kasagsagan ng election period para sa naganap na halalan noong Mayo 9.

Ayon sa Deparment of Interior and Local Government (DILG), nasa pito na ang bilang ng mga namatay dahil sa halalan.

Sinabi ni Interior Sec. Eduardo Ano na maliban dito, nasa 27 din ang insidente na may kinalaman sa halalan.

Mayroon din umanong 33 na nasugatan sa election period.

Naitala ang 11 shooting at mauling incidents sa Albay, Negros Oriental, Cotabato City, Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan at Zamboanga del Norte.

Tatlong pagsabog din gamit ang granada ang naitala sa Maguindanao at Cotabato habang nasa dalawang strafing incidents ang naireport sa Basilan.

Umabot din sa apat na insidente ng komosyon sa Maguindanao, Camarines Sur, Lanao at Tawi-Tawi.

Mayroon din naitalang dalawang kaso ng ballot snatching sa Lanao del Sur at Basilan.

Tatlong insidente rin ng hindi otorisadong pagpasok sa mga polling precinct ang naitala sa Batangas, Maguindanao at Abra.

May dalawang kaso rin ng pagsira ng vote-counting machines ang nai-report sa Lanao del Sur.

Ayon kay Año, anim lamang sa 27 reported incidents na nai-report noong election day ang suspected bilang election-related.