Umakyat na sa kabuuang bilang na 191 ang bilang ng mga taong nagkasakit mula sa oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa datos ng Department of Health.
Ibinunyag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario na 14 pang kaso ang naitala ng kanilang departamento.
Sa kabuuang tally, nasa 101 na kaso ang nakarecover habang ang iba ay binabantayan pa lamang sa mga health centers.
Dagdag ni Vergeire na ang mga residente ay nag-ulat na nakararanas ng respiratory and dermal irritation, cramps at pagkahilo matapos na maapektuhan ang kanilang lugar ng oil spill.
Giit naman ng DOH na handa sila sa paglobo ng mga ganitong kaso dahil sa epekto ng tumagas na langis para bantayan ang kalusugan ng mga residenteng apektado.
Sa ngayon, patuloy ang pag-antabay ng nasabing departamento upang kaagad na matugunan ang mai-papaulat na makararanas ng anumang sintomas mula sa epekto ng oil spill sa naturang lugar.